Ang Aking Guro, Aking Bayani!
Paggising sa umaga,
Diwa’y inaantok pa
Ngunit tayo’y papasok na
Papasok na sa eskwela
Simula pagkabata hanggang sa pagtanda
Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina
Nariyan para gumabay at mag-aruga,
Pasasalamat lamang ay nararapat itakda.
Sa aking paglaki…
Di iniisip mga pagkakamali,
Ngunit ngiti lamang syang sinukli,
At mga payong sa lungkot ay humahawi.
Kayo ay laging kaalalay,
Nagbibigay kulay sa aking buhay,
Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay.
Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo
Mga minamahal at ginigiliw na guro ko
Walang pag-aalinlangang ipapakita ko
Ikaw aking guro bayani ng buhay ko!
Russel S. Mapilar
III-Molave
Guro ko, Bayani Ka…
Aming mga guro ay sadyang masipag,
Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,
Sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig;
Silang mga guro’y sadyang nakakabilib.
Pangalawang magulang ng mga mag-aaral,
Nagtutruro ng mabuti at pagiging marangal,
Sadyang napakahusay ng kanilang katangian,
Sa ating mga asal,itinuturo ang kagandahan.
Sa mga mag-aaral na sadyang makukulit,
Di maiiwasang ang guro ay magsungit,
Ngunit wag mangamba, sila talaga’y mababait,
Hangga’t maari sila ay magtitiis…
Anumang mga pagsubok kaya nating lampasan
Sa ipinapakita ng mga gurong kabayanihan
Kaya sa tula’y aking sasabihin na…
Guro ko, Mahal ko, Bayani Ka!
Maricar R. Doria
III- Molave
Guro ko, Hero Ko…
Kadalasa’y bumibilib tayo sa kanila
Sa pagmamahal at sa kanilang tyaga
Kaya tayong mga mag-aaral ay mahal din sila
Dahil Tayo ang nangungunang tagahanga nila.
Ngunit alam nating hirap na rin sila,
Kaya naman pahalagahan natin sa twina
Salamat sa pag-aaruga at sa kaalaman ninyo,
Dahiol sa inyo ako’y dagling natuto.
Salamat po talaga ng marami
Dahil sa kaalama’y kami ay di nahuhuli,
Mahal po namin kayo, walang magbabago
Kahit pa magbago ang ikot nitong mundo.
Kayo po ang pangalawang magulang ko
Dahil sa inyo, naeengganyong magbago
Sana ay patnubayan kayo ng ating Panginoon,
Guro ko, Hero ko sa habampanahon…
James P. Nacionales
III-Molave
Bayani ko ang guro ko…
Sa araw-araw na pagpasok sa eskwela
Kayo ang aming nakakasama
Nagbibigay kaalaman,para sa kinabukasan
Sa maraming taong ginugol sa paaralan
Kayo ang syang naging sandigan,
Nagbibigay sagot sa’king mga katangungan
Salamat sa inyo aking mga guro,
Sapagkat kung wala kayo, di kami natuto,
Lahat ng alam namin utang namin sa inyo.
Tama! Kayo ang gabay tungo sa magandang buhay,
Mga turo ninyo ay walang kapantay,
Hinding-hindi malilimutan, anuman ang maranasan
Bayani ko ang guro ko at ngayon ay pinasasalamatan!
Ma. Bernadette G. Arabis
III-Molave
Ang mga Guro ay Huwaran
Huwaran kung sila ay tawagin,
Espesyal sila sa buhay natin
Sila ang dahilan ng ating tagumpay,
Sila ang tumutulong at umaagapay.
Guro ang mga pangalawang magulang
Bigyan ng respeto, ating mahalin.
Mahalaga sa ating puso at mga buhay,
Ating pahalagahan, bigyan ng pugay.
Huwaran, sila ay dapat hangaan
Dulot nila ay kaalamang wala ng katapusan
Para sa mga oras sa pagtuturo sa ati’y kanilang inuukol,
Kahit kung minsan isip nati’y bulakbol.
Mahal nila tayo, dapat mahal natin sila
Magandang kinabukasan kasi ay dulot nila
Oras na kanilang ginugugol sa pagtuturo,
Kahapon, ngayon at bukas Sila ang ating mga guro…
Mary Anne Montero
III-Acacia
Sa aking mga Guro
Araw-araw na lang kami ay inyong tinuturuan
Sa paaralang aming pangalawang tahanan
Kung saan nakakilala kami ng pangalawang magulang
Na kahit kalian pa ma’y di namin malilimutan.
Di namin alam kung kami ba’y naging mabuti
At bakit kabutihan ang inyong mga ganti
Batid namin na kami ay may kakulangan
Na amin naming handang punan
Lagi nyo kaming pinapahalagan.
Kahit minsa’y kami ay inyong kinaiinisan
Kaya naman sa araw-araw po nating pagsasamahan
Hangad namin ang katiwasayan at kabutihan
Ang aking mga sinambit ay tunay pos a aking kalooban
Ginawa kop o ng walang halong kaplastikan
Sapagkat aking isip sa pagtula’y di ko mapigilan
Kapag kayo na ang iniisip na pasalamatan…
Rosalla O. Sagun
III-Acacia
Aking Guro, Aking Bayani
Simula sa abakada
Hanggang sa pagbabasa
Sila ang kasama
At Pangalawang ama o ina
Sa inyo nagmula ang aming karunungan.
Sa pagbabasa man o pagsusulat
Inyo kaming tinuruan
Inyo kaming ginabayan
Sa araw-araw na pagpasok sa eskwela
Baon namin ang ligaya
Na kayo ay masulyapan at makita
Sa pag-uwi, karunangan naman aming nadadala
Salamat at nakilala namin kayo
Magagandang asal sa inyo kami ay natuto
Maraming salamat sa inyo mga guro,
Para sa amin, aking aaminin, bayani kayo!
Imee Joy Cabatic
III-Acacia
Aking Guro, Aking Bayani
Ang ating guro ay ating pasalamatan
Dahil sila ang ating pangalawang magulang sa paaralan
Kahit napupuyat sila sa paggawa ng lesson plan
Sila’y nakangiting pumapasok upang tayo ay turuan
Kahit tayo ay gumagawa ng kalokohan
Sila ay nandiyan upang tayo ay pagsabihan.
Sa kanila ating natutunan FILIPINO, HEOGRAPIYA at MATEMATIKA
Magagandang asal sa EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA,
T.L.E.,MAPEH, SYENSYA at kay rami pang iba.
Kapag tayo ay nagtapos na dito sa paaralan
Di natin sila malilimutan lalo na ang kanilang kabutihan
Kung magkakaroon ng pagkakataong sila ay masuklian
Ako ay nandyan na, walang pag-aatubili, walang pag-aalinlangan
Ating mga guro, ating mga bayani, tayong lahat ay magbunyi
Wala naman tayong maipapalit sa kanilang kabutihan
Kundi ang sila ay sundin at pahalagahan
Kaya sa araw nila ano pa bang gagawin kundi ang sila ay arugain?
EDDIE GARCIA JR.
III-MELINA
Guro
Ang nagpabatid ng mga kaalaman
Sa atin at sa buong sambayan
Nagtuturo ng magandang asal
At itinuturing na pangalawang magulang
Sila ay lubos na iginagalang
Ng lahat ng nilalang
Ng lahat na noo’y
Mga batang walang muwang lamang
Kadalasan sila ay mabait
Ngunit minsa’y nagsusungit
Ngunit sa likod nito
Ay mga labing masaya at nakangiti
Tayo ay natututo
Sa kanilang mga itinuturo
Tayo ay kanilang sinasagip
Upang sa tamang landas di malihis.
Rose Ann D. Gaspar
III-Melina
Dakilang Propesyon
Isang dakilang propesyon ang pagtuturo
Ating kaunting dunong kanilang pinupuno
Kaalamang habambuhay na mananatili,
Mula sa aking guro, aking bayani…
Tinuturing silang pangalawang magulang
Na syang nagpupuno ng ating kakulangan
Nagsisilbing modelo ng Lahat
Naglilingkod sa atin ng tapat.
Bayani kong itinuturing ang aking guro
Dahil ang kanilang propesyon ay di biro
Pagod at puyat kanilang dinaranas
Upang mabigyan tayo ng magandang bukas
Saludo kami sa aming mga guro
Kung wala kayo ay paano na kami
Salamat sa inyo aking guro,aking inspirasyon
Guro nga po ay tunay na dakilang propesyon.
Crissalyn S. Nuncio
III- Melina
Ang aking Bayani
Sa aming musmos na isipan
Binigyan nyo ng mga kaalaman
Na di namin makakaligtaan
Saan man landas na tahakin o paroroonan
Sa bawat araw na pagtuturo
Guro ay may laging bagong mga ngiti
Na sa kalungkutan ng umaga ay pumapawi
Nagpapasigla kaya umaga namin ay kay ganda
Sa oras ng problema
Mga guro ay inyong malalapitan
Handang tumulong saan man
Handang magsakripisyo ano man…
Kaya ang aking bayani
Ay syang guro na aking ipinagbubunyi
Sapagkat dulot nila ay di lamang kalaman,
Nandyan sila upang tayo ay damayan.
Angeline S. Acutillar
III- Melina
Guro:Bayani
Ang aking guro…
Mga Huwarang guro…
Di Nagsasawang magturo…
Puyat at pagod kanilang puhunan.
Upang kami ay turuan
Upang kami ay may matutunan
Kaya marapat na sila…
Ay ating pasalamatan ng walang hanggan
Kabutihan kanilang ibinigay…
Kaya mag-aaral
Bilang ganti tayo’y magpakabait…
Nang si Sir at Ma’am ay mapangiti
Tunay silang bayani
Handang magturo
Umulan man o umaraw
Hero ko di Sir at ma’am
Guro…oo ikaw…
Rowel S. Rion
III- Melina
Guro tulay sa Magandang Bukas
Propesyon nila ang humubog sa isipan,
Ng mga mag-aaral na pag-asa ng bayan;
Hirap at pagod kanilang natatamasa,
Matuto lamang mga mag-aaral sa asignatura.
Kahit minsan lang mabati ng mga mag-aaral
Sa loob ng klase ay may ngiting katapat
Nakikita nya ang mga mata ng kalungkutan
Kasiyahan, galit o taglay na kabutihan
May mga estudyanteng walang pakialam
Sa mga bagay na itinuturo sa eskwelahan;
Iniintindi nila ang taglay nilang mga asal
Isang gawain ng isang gurong marangal.
Kun sana ay ating mawari, ating alamin
Kapwa ko estudyante, sana ay intindihin;
Mga butil ng kaalaman na kanilang itinanim
Para sa kagandahan ng kinabukasan natin.
Rey O. Dasalla
III- Mahogany
Yeso at Pisara
Noong ako ay bata pa guro na ang aking kasama
Nilinang at hinahasa ang natutulog kong isipan
Itinuring ko sila bilang ikalawang ama o ina
Minamahal nila ako at ganoon di ako sa kanila
Isa,dalawa, tatlo ang alam kong numero
ABAKADA naman sa pagbabasa’y ako ay natuto
Lupang Hinirang unang awit na nalaman ko
Yan lamang ang ilan sa mga turo ng guro ko.
Ang estudyanteng tulad ko tuwing Abril, nanlulumo
Dahil malalayo ako sa mga gurong irog ko
Pagkatapos grumadweyt , isang bagong yugto
Tatahakin at susuungin ng buong puso
Guro ay aking lampara sa madilim na landas
Umaakay sa aki sa tamang daan
Regalo sa akin ay isang bagong buhay
Tunay na bayani sa puso at isipan…
Adrian Arbi D. Caseja
III- Mahogany
Turo, Basa, Sulat…
Magmula umaga hanggang dapithapon
Lagi nating kasama saan man naroroon
Sa loob man o labas ng ating silid
Kaagapay mo sa lahat ng panahon
Di nila tayo kayang iwanan
Sa gitna ng problema o karamdaman,
Asahan mong lagi silang andyan
Sa liwanag, pighati o kadiliman man.
Handang ituro lahat ng nalalaman
Sa mga mag-aaral na kanilang minamahal
Sila din ang pangalawa nating mga magulang
Na syang malalapitan sa oras ng pangangailangan
Kahit ano pang klase ng panahon
Umulan umaraw sila ay naroroon
Turo, basa, sulat hanggang sa di maglaon
Tayo ay matuto sa kanilang tulong
Kung minsan marami ang nagtataka
Bakit sila ganoon kabait sa iba?
Suguro ay sadyang ganoon na sila
Ang pagod sa pagtuturo ng maghapo’y di alintana
Para silang leon kung minsan pag tayo’y pinagsasabihan
Parang anghel kung sila naman ay mag-alala
Marahil ang guro ay nilikha ng May lalang
Upang magsilbing inspirasyon at bayani ng mga paaralan.
Jhon Anthony R. Liberato
III- Mahogany
Super Hero ng Buhay ko!
Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…
Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…
Ikaw ang aking kaagapay…
Kapanglawan…
Kapayapaan…
Kaalaman
Kinabukasan…
Guro…
Tama Ikaw…
Tanging kayo…
Super hero ng Buhay ko…
Raymond Nachor
III- Mahogany